Brain Cells
Jing, a dear friend of mine, told me a piece of advice I always try to remember: ‘Ang brain cells, irreplaceable at di nagmu-multiply. Sayang lang ang brain cells mo if mapupuno lang ng sadness at pain. Dapat happy thoughts.’
Sayang ang brain cells…
Everytime na naiisip ko ang lalaking paulit-ulit akong niyaya magpakasal nun, via chat lang, na all along ay di naman pala seryoso. Gullible kasi ako at times. I go back to that advice…
Sayang ang brain cells…
Sa officemate ko na sobrang interested sa buhay ko na lahat ng kilos ko ay pinupuna at lagi syang may negatibong komento, iniisip ko…
Sayang ang brain cells…
Sa mga pasaway na tryke drivers sa terminal malapit samen, pati na rin mga ilang jeepney drivers (sorry po for including you here…) na nakakalimutan yatang naghahanap-buhay rin ako at kelangan kong pumasok ng maaga tuwing inaabot sila ng dekada pagkuha at paghihintay ng pasahero, nire-recall ko sa isip ko…
Sayang ang brain cells…
Sa tuwing may nangungulit magtanong why I’m still single until this time, yung tanong na may halong pangungutya at the back of their minds, deep sigh na lang tsaka…
Sayang ang brain cells…
Pag may pasaway at maligalig na client sa office, think straight and properly pa rin tsaka…
Sayang ang brain cells…
Pag depress-depressan ang mood ko, iiyak lang ako saglit kahit parang mukha na akong tanga
then naiisip ko yung advice…
Sayang ang brain cells…
Pag may naiinis saken at pinaparamdam at pinapakita talagang inis sya saken, tatahimik lang ako while uttering lots of prayers in my head para i-deal ng tama ang sitwasyon (yun ay kung na-control ko rin ang katarayan ko… joke! lol!), then sasabihin ko sa sarili ko…
Sayang ang brain cells…
Pag naguguluhan na ako sa nangyayari at di na keri ng powers ko, maingay ang katahimikan sa isip ko dahil gusto ko magdasal, kahit paluha na ang mga mata ko. Then feeling ko sinasabi saken ng isang angel…
Sayang ang brain cells…
Hayz.. Just last night, may 2 bagay akong prinomise sa Kanya. Sabi ko, part of that ‘little sacrifice’ is para sa isang makulit na hiling ko sa Kanya matagal na. Sana di Sya nakukulitan saken
Ayoko na kasi sana magkaron ng useless fears and worries.
Sayang ang brain cells…
Kaya God, please continue to take charge of our lives po
Good night everyone! Special thank you to Warren Wong for taking time to always read my mushy sentiments sa blog ko na to… God bless…
Recent Comments